Pag-alaala kay Mayor Nonong

Posted December 10, 2023


SHARE

Ngayong araw din ay ating inaalala ang Ikatlong Taong Anibersaryo ng pagpanaw ng ating dating Mayor Jose “Nonong” Ricafrente Jr.. Ilang malalapit na tao ang nagbigay ng mensahe upang bigyang patotoo ang mga ginawang kabutihan at pagmamahal ni Mayor Nonong sa ating bayan. Naging isang mabuting ama at lider si Mayor Nonong, at ngayon natatamasa natin ang isang bayang tahimik, masaya at maunlad dahil sa kanyang mga sakrispisyo at serbisyo.

Sa kanyang mensahe, inalala ni Mayor Voltaire kung gaanong kamahal ni Mayor Nonong ang ating bayan. Inilaan nya ang buong buhay upang maglingkod sa tao at sa bayan. Pinasalamatan din ni Mayor Voltaire ang lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal kay Mayor Nonong at patuloy na isinasabuhay ang isang bayang tahimik, masaya at maunlad.

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
  • Error
  • Error
  • Error
  • Error
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.