NEW ROSARIO MUNICIPAL POLICE STATION

Posted August 09, 2023


SHARE

Pinasinayaan kahapon ang bagong Rosario Municipal Police Station na proyekto ng Pamahalaang Bayang ng Rosario sa pangunguna ni Mayor Voltaire Ricafrente katuwang ang PEZA-Cavite Economic Zone sa pangunguna ni Atty. Norma B. Tañag.

Dinaluhan ito ni Chief PNP PGEN Benjamin C Acorda Jr, Regional Director PRO4A PBGEN Carlito M Gaces, Provincial Director Cavite PPO PCOL Christopher F Olazo. Kasama din ang Sanguniang Bayan ng Rosario sa pangunguna ni Vice Mayor Bamm Gonzales at Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni Coun. Jonathan Crisostomo.

Pinasalamatan ni Mayor Voltaire si PGEN Benjamin Acorda Jr at mga kasamang bisita sa pagdalo sa inagurasyon ng bagong Rosario Municipal Police Station. Pinasalamatan din ang PEZA na kinakatawan ni Atty. Norma Tañag na katuwang ng ating Lokal na Pamahalaan sa nasabing proyekto. Sa kanyang mensahe, inalala ni Mayor Voltaire kung paano plinano ni Mayor Nonong Ricafrente limang taon na ang nakararaan ang proyektong ito katuwang ang PEZA-CEZ. Hiling nya ang patuloy na kooperasyon ng lahat para sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating bayan, kaayusan na sinimulan ni Mayor Nonong at ipinagpapatuloy sa kasalukuyan.

TAGS
ROSARIO HOTLINES

ROSARIO POLICE
ROSARIO MEDICAL
CLINIC
ROSARIO FIRESTATION
WEBSITE VISITORS

  • Today
  • Yesterday
  • This Week
  • This Month
  • Error
  • Error
  • Error
  • Error
We use cookies to personalize content and to analyze our traffic. Please decide if you are willing to accept cookies from our website.